Kung Sakali
Kung Sakali
Nakasisilaw ang sinag ng araw
Nakahahalina ang huni ng mga ibon
Bawat ritmo at liriko, lahat ay aawitin
Mabilis na hahabulin ang lumilipad na paruparo
Mapalad ang taong may kakayahan
Na maranasan ang pangarap ng iba
Dilim
Imulat ang mata, ngunit walang makita
Kulay na nakikita ay iisa
Tumingala sa masinting na araw
Hindi man lamang nasilaw
Kung sakaling nakakakita
Sana ay nasilaw.
Sayang.
Katahimikan
Sarado na ang panrinig
Ngunit hindi naman isinasara
Hindi na tuloy napakinggan
Huni ng ibong nakahahalina
Kung sakaling nakaririnig
Daramhin ang ligaya
Sana ay nakaririnig,
Sayang.
Salita
Ibinuka ang bibig ngunit walang masabi
Hindi dahil natatakot
Sapagkat isang pipi
Hindi tuloy mabigkas ang bawat liriko
Kung sakaling nakapagsasalita
Sana ay nakakakanta.
Sayang
Hakbang
May mga paa ngunit hindi maramdaman
Hindi naman manhid
Sapagkat kakayahan ay ipinagkait
HIndi na mahuhili ang paruparong lumilipad
Kung sakaling nakalalakad
Paruparo’y sana ay pinagat
Sayang.
Tunay na mapalad
Taong may kakayahang maranasan
Ang sa iba ay sa panaginip lamang.
Comments
Post a Comment